Thumbler's POV. Isang buwan na ang nakalipas pero wala pa ring natanggap na good news si Thumbler. Kaya naisipan niyang tawagan ang detective na kanyang hina-hire. Nag-ring ang phone sa kabilang linya at nakailang tawag siya bago nakasagot sa kabilang linya. "Good afternoon, Mr. Del Torre," bati sa kabilang linya. "What's up, detective," sambit niya rito. "I'm sorry, Mr. Del Torre. Pero wala pa akong maibigay na magandang balita. Nagpunta na ako sa ibang bayan ngunit walang Aggie Adelaide. Ngayon ay galing ako sa pier at sinubukan kong i-check ang pangalan niya. Doon ay mayroon siyang nilagay sa address na Compostela. Kaya doon ako next na maghanap," mahabang paliwanag ng detective. "That's good, detective. At least now, may lead na para sa next mong imbestigasyon," aniya rito.

