HANGGANG sa makababa na siya ng taxi at one thousand five hundred piso ang nabayaran niya. Nagtanong siya sa guwardiya kung saan makakabili ng ticket. Sinamahan naman siya ng guwardiya "Salamat, sir," aniya rito. "Walang anuman." Bumili siya ng ticket at ang biyahe ay bukas pa nang tanghali. Walang choice si Aggie, kung 'di ang magpalipas siya nang gabi sa pier. Samantala, kasalukuyang nasa bahay na si Thumbler at nagpapahinga. Masaya itong nakahiga at malawak ang ngiti sa labi niya sapagkat magkakaroon na siya ng dalawang anak. Sana kalagitnaan siya ng mag-i-imagine nang biglang nag-ring ang phone niya. Nanatili pa rin siyang nakahiga habang tinitingnan kung sino ang tumawag sa kanya. "Si Dra. Sassy. Bakit kaya siya napatawag?" tanong niya sa sarili bago niya sinagot ang nasa kab