DUMATING si Climate sa bahay ni Thumbler at si Sylvia ang nagbukas sa gate. "Si Thumbler?" bungad na tanong ni Climate. "Nasa loob ng kuwarto, tatawagin ko lang." Umupo siya sa sala at pinuntahan ng kasambahay ang amo niya sa itaas, agad niya kinatok ang pinto. "Sir Thum…" sambit nito habang kumakatok. "Yes?" tugon naman nito sa loob. "Nasa baba si Sir Climate." "Okay. Lalabas na ako!" At maya-maya pa ay bumaba na rin si Thumbler at dumiretso ito sa counter bar at kumuha ng alak. "Dude…" sambit nito, nang makalapit sa kaibigan. "Dude, doon tayo sa pool," suhestyon ni Climate dahil mahangin doon sapagkat nasa third floor ito. "Alright!" Sumakay ang dalawa ng elevator "Kumusta ang asawa mo?" tanong niya at kasalukuyang nasa loob pa sila ng elevator. "Okay naman siya, nan