KINABUKAS ay maagang gumising si Thumbler dahil alas-nuwebe ang alis nila. Lumapit siya sa kuwarto ni Aggie at mahina niya itong kinatok. "Aggie... Aggie..." sambit niya at sinabayan niya ng katok. "Bakit?" malumanay nitong tugon, dahil kagigising pa lamang niya. Kailangan mo nang maghanda aalis na tayo mamayang alas-otso." "Sige." Bumangon si Aggie at mabigat ang kamay na kinuha ang mga damit sa loob kabinet. Habang nilalagay niya ito sa loob ng maliit niyang bag ay wala namang tigil ang pagpatak ng luha niya. "Aggie... anak..." tawag ng ama niya. Dali-dali niyang pinunasan ang mga luha niya at saka nito binuksan ang pinto. "Pasok, Papa." At tumabi siya upang makapasok ang ama niya. "Okay ka lang, anak?" pag-alala ng ama niya. "Hindi, Papa. Dahil maiiwan kayo dito." Humint

