“Ang galing nga, eh, lupasay na lupasay sa kalsada!" tawa nang tawa si Daryl habang nagkukuwento sa mga binatilyong kaumpok sa mesang nasa canteen. "Kita ko nga ang panty, yak!”
"Ikaw talaga, bakit mo naman ginawa iyon?' naiiling na wika ni Carl na matalik nitong kaibigan.
"Oo nga! Bakit ba kasi mula noon ay palagi mo na binubuska si Lhianne? Kahit mataba siya ang ganda kaya niya," dugtong naman ni Christian.
"Maganda? Saan? Alin? Naman! Eh, nagkataon lang na maputi siya at mahaba ang buhok, pero kung nagkataon na maitim
siya mukha talaga siyang lilitsoning baboy."
"Oy, kahit na mataba siya ang ganda parin siya, ano? Ang tangos ng kanyang ilong, saka ang ganda ng mga mata, lalo
na ang mahahabang pilik-mata, ano? Para siyang iyong santa sa simbahan, hindi
ba?" ani Carl.
"Aba, type mo pala ang matabang iyon?" Nakangising baling ni Daryl kay Carl.
"Bakit hindi? Siya ang muse sa klase nila, ah. At siya rin ang first honor sa lahat ng klase simula kender hanggang ngayong second year na tayo. Sana nga, maging kaklase ko siya next year para maging kaibigan ko siya."
"Uy, type niya ang mataba na iyon. Kaya pala simula noong mga bata pa tayo, palagi mo akong inaawat kapag binubuska ko siya, ha?"
"Eh,kasi naman-“
"Daryl!" mula sa kung saan ay biglang sumulpot si Lhianne.
"O mataba, bakit narito ka?" napangisi si Daryl nang makita ang dalagita, hindi alintana ang nagbabagang kislap ng mga mata niya at ang tila sumisingasing na bukas ng mukha.
"Wala lang, dinala ko lang itong ipinahuli mo sa akin kanina!" sabay pasok niya ng kamay na may hawak na plastic sa loob ng puting polo na suot nito at itinaktak ang laman niyon.
"Ay, ano iyan! Hey! Ano ba?" napakislot ito sabay tayo nang maramdaman ang malamig-lamig at madulas at malambot na bagay na nagkislutan sa loob ng damit nito.
"Hey, ano ito?" natatarantang pinagpag nito ang sariling damit.
"Mga palaka iyan, inihuli kita kanina. ‘Di ba sabi mo ihuli kita ng palaka? Hayaan, mga palakang-bukid at palakang bato, may palakang-saging din at palakang araneta, magsawa ka!" saka humahalakhak na humakbang siya palayo rito.
"Hey! Ahh! Yak, kadiri! Ano ba, tulungan ninyo ako!" nagkandabuwal sa lupa ang binatilyo na nakalimutan yata kung paano hubarin ang suot na damit para makalabas ang mga palaka.
Habang nagkakakumpulan na ang mga estudyanteng nasa paligid, may nagtawanan naman at napatulala na lang sina Carl at hindi agad nakapag-isip kung ano ang gagawin.
Napahalakhak si Lhianne sa bahaging iyon na pagbabalik-tanaw sa nakaraan.
That jerk, akala yata ay palagi niya akong maiisahan. Hah! Iyon ang pinakamasayang sandali ng kabataan ko, ang makita siyang natataranta dahil sa mga palaka. Ang makitang napapahiya siya sa mga schoolmates namin na madalas din niyang
i-bully. Walang pangalawang kahihiyan ang sinapit niya ng araw an iyon. Kaya kahit na na-office ako, wala akong pakialam. At mula noon, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makaganti sa akin. Palagi na siyang nagmumukhang
tanga kapag lumalapit. . . Lalo na noong ga-graduate na kami. At ngayon, ako pa ang hahawak na kaso ng annulment nila ng asawa niya. Hah! Tamang-tama sa kanya ang gagamitin naming ground, psychological
incapacity, bagay na bagay sa kanya! Mukha talaga siyang psychotic kahit noon!
Kaya agad ng siyang kumilos para masimulan na ang pagpa-file ng annulment case ng
mag-asawa.
******
“PSYCHOLOGICAL incapacity? This bullshit, Claire!" gigil na wika ni Daryl sa kausap sa kabilang linya.
"And why not? Talaga namang ganyan ka, ah."
"Hindi totoo yan!" Bakas sa boses ni Daryl ang pagtututol sa grounds na ginamit ni Claire laban sa kanya.
"Okay, hindi mo nga siguro maamin sa sarili mo, pero ano bang tawag mo sa mga ginagawa mo sa akin noong nagsasama pa tayo, ha? Isa pa, iyan ang pinakamabigat na ground para ma-grant ang annulment natin. Ayaw mo bang lumaya agad sa
nakabigkis sa ating kasal?"
"Gusto, pero hindi sa ganitong paraan. Anong sasabihin ng mga nakakakilala sa akin at—
"Daryl, ipagpalagay na nating hindi nga totoo iyan, pero wala na akong maisip na ibang paraan para mapabilis ang paghihiwalay natin. Gusto mo bang ilagay ko na womanizer ka, na nananakit ka, o kung anuman-“
"Pag-iisipan ko pa. Kapag hindi ko talaga matanggap na ito ang gagamitin mong ground, hindi ko pipirmahan ang annulment papers na ipinadala mo."
"Daryl-“
"That's my decision and that's final!" inis na ini-off na ni Daryl ang kanyang cellphone at pabagsak na naupo sa kanyang swivel chair at pumikit.
"So, hindi mo matanggap na psychological incapacity ka nga?" untag ni Eman na naroon sa kanyang office.
"Because I am not?"
"So, paano mo ipaliliwanag na kaya hindi nag-work-out ang relasyon ninyo ay dahilhindi mo talaga siya magawang masikmura na katabi sa kama, ha?"
"I have my own reasons, at akin na lang iyon."
"Daryl, nababahala na ang mga elders dahil sa nangyayari sa inyo ni Claire. Kung talagang hindi mo matanggap iyan ang gagamitin niyang ground, then talk to her.
Baka maayos pa ang relasyon ninyo at—
"No, ayoko na. Kahit siya ang unang humiling ng annulment, madali kong natanggap iyon dahil na-realize ko na iyon nga ang pinakamabuting mangyari sa amin. At nang maranasan kong humiwalay na sa kanya, lalo kong naramdaman na gusto ko
talagang makalaya sa kanya. Hindi na ako napipilitang umuwi sa bahay namin."
"Daryl-“
Tunog ng telepono ang pumutol sa iba pang sasabihin ni Eman.
"Hello!"
"It's me again, Daryl." Si Claire ang nasa kabilang linya.
"Sinabi ko na sa iyong-“
"Kausapin mo ang abogado ko, pag-usapan ninyo kung ano ang magandang ground na puwede nating gamitin na katanggap-tanggap para sa iyo at magpapadali sa paghihiwalay natin nang tuloyan."
Saglit siyang natigilan.
"Sige, igawa mo ako ng appointment sa kanya."
"Okay, bye."
Pabuntong-hiningang inilapag na ni Daryl ang telepono.
"So, ano na ang plano?"
"I'll talk to her lawyer. Baka may iba pang grounds na puwedeng magamit para mapadali
ang lahat."
Napabuntong-hininga nalang si Eman.
"So, talagang iyon na lang ang solusyon, ang maghiwalay na kayo nang tuluyan?"
"Wala ng iba, Eman."