"Claire. . ." umiral ang kaniyang pagiging babae na may maawaing puso. "Kung talagang desidido ka na ipa-annul ang kasal ninyo, kilangan mong maging handa sa mga susunod na hakbang na kailangan mong gawin. So, nakahanda ka na ba?"
"N–nakahanda ako, Attorney," mabilis na tugon nito
"Then let me know all the details, lalo na iyong iba pang mga detalye na kailangan nating iharap sa korte para ma-grand ang annulment ninyo," anang Lhianne.
"I can give you that."
"Good! So, pag-usapan na natin ang mga gagawin. Anyway, what is your husband's name?" tanong niya.
"Daryl Fernandez. Isa siyang Fernandez, kabilang sa mga taong nasa mataas ang antas sa lipunan. Have you heard about that clan?"
Ilang sandaling hindi nakakibo si Lhianne. Tila bigla siyang kinilabutan ng marinig ang pangalang Daryl Fernandez.
"Ah, yes of course!" sa huli ay nagawa rin niyang hamigin ang sarili. "The famous Fernandez Empire, the Fernandez hotel's and resorts, at lahat ng klaseng business na nag-e-exist sa business world ay kasali sila, right?"
"Right."
"Maimpluwensyang angkan, kilalang-kilala sa lipunan. . . At higit sa lahat, isa sa pinakamayamang angkan. Kaya kakailanganin natin ng malakas na grounds para ma-approved ng korte ang annulment ninyo. Psychological incapacity, iyon ang gagamitin natin, is that okay with you?"
"Oo naman. Iyon din ang ginamit ni Drake kaya na-approved agad ang annulment nila, hindi ba?"
"Yeah, pero si Daryl, baka hindi siya pumayag, lalo pa at siya ang madidiin sa korte na may kasalanan kaya kayo maghihiwalay. Baka mahirapan tayong kumbinsihin siya na —“
"I think not! Dahil kung may mas higit na gustong kumawala sa kasal na nakabigkis sa amin, si Daryl iyon."
"How can you sure?"
"Because I know that he's in love with somebody else. At iyon ang dahilan kaya hindi niya ako magawang mahalin at hinding-hindi magawang mahalin kahit kailan."
"How did you know that? Sinabi ba niya o nabanggit ang ganoong bagay, Umamin ba siya sa'yo?" kunot noong tanong ni Lhianne.
"No, pero bilang babae, may malakas tayong pakiramdam kapag may ibang laman ang puso ng ating mga asawa. Well, sabi ni Drake ay dalaga ka pa kaya baka hindi mo pa nararanasan iyon."
"I know what you're talking about, it's a woman intuition. Okay, granted na may iba nga siyang gusto, kilala mo ba? May hinala ka kung sino?"
"Wala. . . masyadong malihim ang asawa ko. There are times na umupa pa talaga ako ng detective para alamin ang mga activities niya, baka sakaling malaman ko kung sino ang babaeng nagustuhan nya, pero wala silang nakita o nalaman man lang. Trabaho lang talaga ang kanyang pinagkakaabalahan. Kahit minsan, wala silang nahuli na may babae si Daryl."
"Talaga? Well, guni-guni mo lang na may iba siyang gusto?"
"No! I know, may iba siyang gusto. At kung hindi man iyon nakilala ng mga taong inutusan ko para sundan siya, sigurado ako na may iba siya."
"Ah, may sasabihin ako, pero baka magalit ka? I mean, baka ma-offend at—“
"No, hindi ako magagalit, I can handle it. So, what is it?"
"Hindi kaya. . . Lalaki ang karibal mo? I mean baka he's a gay?" lihim na napalunok si Lhianne, kahit siya mismo ay hindi makapaniwala sa ideyang pumasok sa kanyang isip. . .
"No, it's impossible. Sigurado ako na hindi siya bakla. Bukod sa wala sa lahi nila iyon, he's one hell of a man. Wala ring nakitang ganoon ang mga taong sumubaybay sa kanya. Imposibleng maging bakla siya."
Napabuntong hininga na lang si Lhianne.
"Okay, I believe in you. So, kung naniniwala ka na mapapayag mo siya ang gagamiting grounds sa annulment ninyo ay Physiological incapacity, so, be it! Agad tayong magpa-file ng annulment case laban sa kanya. At kapag sinita ka niya o kinontra, kailangan ninyong mag-usap para ma-settle ang lahat."
"I'll do that."
"Good! Pag-usapan pa natin ang ilang detalye."
"Sige."
Ilang sandali nang nakakaalis si Claire ay nakatitig pa rin sa kawalan si Lhianne. . .
Maya-maya ay sinulyapan niya ang mga papeles na iniwan sa kanya ng babae para ma-process na ang annulment case na isasampa nila sa korte. . . napatitig siya sa pangalang kilalang-kilala niya. . .
Daryl Fernandez. . .You're really such a Jerk. Mula noon, hanggang ngayon, you're a pain in the ass. Noon ay sa akin, ngayon naman ay sa babaeng pinakasalan mo. Hah! Kung naniwala siguro ako sa pinagsasabi mo noon, baka mas malaki ang pinagsisihan ko. Buti na lang at nagawa kong kontrolin ang sarili kong puso. . .
*** Nakaraan ***
"Hoy, Taba!"
Pero hindi lumingon sa gawi nila ang batang si Lhianne na tila walang narinig, diretso lang ito sa paglalakad.
"Aba't, hoy! Taba, bingi ka ba?" inis na sabi ni Daryl na napakapit sa rehas ng gate.
Pero dedma pa rin ito, tuloy parin sa paglalakad, hanggang sa lumampas na sa gate ng mansyon ng mga Fernandez.
"Naku! Ang suplada talaga ng matabang babae na yan ah! Teka nga!" Gigil na binuksan ni Daryl ang gate.
"Oh, saan ka pupunta?" pigil ni Carl sa kaniya.
"Hahabulin ko ang matabang iyon."
"Aba, huwag na! Ano ka ba Daryl? Wala naman kasalanan sayo bakit aawayin mo!"
"Eh, supladang mataba! Hoy! Lhianne!"
tuluyan ng nakalabas ng gate si Daryl. "Hoy mataba!" sabay hila nang kamay ni Lhianne.
"Aray! Ano ba?" Pasigaw na sabi ni Lhianne nang lumingon sa kanya. "Bakit ba?"
matapang na namaywang.
"Anong bakit? Tawag ako nang tawag sa iyo, ayaw mo akong pansinin! Ang suplada mo, ang sungit mong mataba ka!"
"Hoy bakit naman kita lilingonin, mataba ba pangalan ko?" Lalo na naman itong nagtaray.
"Bakit, hindi ba't mataba ka naman talaga? nakangising sabi ni Daryl, tuwang-tuwa siya na makitang inis na inis ito.
"Oy, kahit mataba ako maganda naman ako sabi ng mommy ko!"
"At naniwala ka naman na maganda ka?"
"Tse wala akong pake sa iyo!" sabay talikod sa inis ng batang babae.
"Aba't hoy, kinakausap pa kita, ah!" gigil na hinabol ni Daryl at hinatak sa kamay para lang mapaharap uli sa kanya.
"Ang kulit mo, ah! Bitawan mo nga ang kamay ko!" sabay tadyak sa paa.
"Aray!" napaupo si Daryl sa sakit. "Salbahe kang mataba ka, ah! Lagot ka sakin!" galit na galit na tumayo si Daryl.
"Beh, buti nga sa iyo hindi ka makakahabol!"
"Hoy! Mataba! Bumalik ka!"
Pero tila walang narinig na nagpatuloy ito sa pagtakbo palayo, habang nahabol nalang niya ito ng galit na tingin...