At around 3 t0 4 in the morning, nagising si Lhianne sa iyak ng anak. Hindi nila ito nailipat sa nursery room kagabi kaya mapipilitan siyang bumangon dahil hindi naman pumapasok sa kuwarto nila ang katuwang niya sa pag-aalaga sa anak. Tiningnan niya ang asawa na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Napakalaki naman ng kama nila pero tila maliit pa rin ito para sa kanilang dalawa. Nakasiksik kasi ito palagi sa kanya kapag natutulog. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi at sandaling tinapunan niya ng tingin si Daryl bago mabilis na tinungo ang closet upang kumuha ng roba at kaagad na isinuot. Pagkatapos ay lumapit siya sa crib ng anak upang tingnan ito. Bukod kasi sa crib nito sa nursery room ay maroon ding ekstrang crib sa kuwarto nilang mag-asawa para sakaling sa kuwarto nila ito na