Kinabukasan, gaya ng sabi ni Daryl, maaga silang gumising mag-asawa. Si Daryl na rin ang nagmaneho ng sasakyan at hindi ang driver nitong si Ryan. “You know you’re going to love her,” biglang sabi ni Daryl habang ang atensyon ay sa pagmamaneho. Kumunot ang noo ni Lhianne. “Sino?” takang tanong niya. “Roselle, Roselle Moreno, she’s wow! She’s very knowledgeable, smart, and pretty. Masarap rin siyang kausap at marami kang matutunan sa kanya na business,” tila humahangang sabi ni Daryl. Isang ngiti lang ang naisagot ni Lhianne, bakit parang hindi maganda ang pakiramdam niya? Dahil ba sa papuri ng asawa niya sa ibang babae? No, hindi siya dapat mag-iisip ng kung ano. Business lang ang lahat. Kilala niya ang asawa. But still something was gwaning inside of her, parang biglang hinalukay ang