One month later… “Aalis ka?” tanong ni Lhianne na pinigil ang pagtulo ng luha. Ayaw niyang ipakita sa asawa na napakahina niya. Ayaw niyang isipin nito na ginagamit niya ang pag-iyak para maawa ito sa kanya. Isang buwan na ang nakalilipas at hindi pa rin bumalik ang ibang alaala ni Daryl. Sa loob ng isang buwan, walang nagbago, naging mailap pa rin ito sa kanya pero hinahayaan na lang niya as long as kasama niya ito sa bahay. Araw iyon ng linggo at inaasahan niyang hindi ito aalis ng bahay pero nadatnan niya itong nagbibihis nang pumasok siya sa kuwarto nito para ayusin ang closet ng asawa. Nakita niyang napahinto ito sa ginagawang pagsuot ng polo shirt at marahan siyang nilingon. Tumingin ito sa kanya pero nag-iwas lang siya ng paningin. Ayaw niyang makita siyang naluluha. H