“Claire?” bulong ni Daryl nang makitang palabas ng restaurant ang dating asawa. Nasa Cadana siya at katatapos lang ng business meeting niya with the investor at palabas na sana siya ng restaurant nang makita niya si Claire. At ang ikinagulat pa niya ay makita itong buntis. Buntis si Claire? Anak ko ba ang dinadala niya? Pero… Bigla siyang nagtaka at the same time ay kinabahan. Sa tantya kasi niya ay mga nasa anim o pitong buwan na ang tiyan ni Claire at magtatatlong buwan pa lang silang hiwalay. Gayunpaman, wala siyang makitang posibilidad na kanya ang ipinagbubuntis nito kasi alam niya sa sariling bago sila naghiwalay ni Claire ay wala na silang contact. Sino ang ama ng diladala nito? Ibig bang sabihin ay niloko siya ni Claire bago ito nakipaghiwalay sa kanya? Nang makalabas ito ay dali