“Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko?” bungad na tanong ni Reymart kay Claire nang dumating ito galing sa casino. “Yes, pumapayag na akong gamitin ang bata para makakuha ng karagdagang pera kay Daryl. At siguraduhin mo lang din na hindi ka papalpak sa plano mo,” tugon ni Claire habang humihithit ng sigarilyo. Alam niyang makakasama sa anak ang paninigarilyo kaya lang, hindi niya mapigilan ang sariling hindi gumamit kapag marami siyang iniisip o stress siya. “Good! Don’t worry, ako na ang bahala sa bagay na ‘yan at sisiguraduhin kong madadagdagan ang perang makukuha natin sa dati mong asawa,” nakangising saad ni Reymart saka pasalampak na naupo sa kama. “Sa casino ka na naman ba galing? Araw-araw ka na lang nasa casino, wala ka ng oras sa akin.” Reklamo ni Claire. Simula kasi dumating s