Nang makalipat na ng kuwarto si Lhianne, isa-isa ng nagsidatingan ang kani-kanilang pamilya. Naunang dumating ang mga magulang ni Lhianne kasunod ang mommy ni Daryl. “Ang guwapo naman ng apo natin balae,” ani ng ina ni Daryl. “Oo nga balae. Tingnan mo ang ilong ang tangos—mana sa atin,” tugon naman ng ina si Lhianne. “Anyway, congratulations mga anak. Salamat at binigyan niyo na kami ng apo.” pagbati mula sa mommy ni Daryl. “Salamat din ho sa palagiang pagsuporta sa amin. Sa lungkot at saya, nariyan kayo palagi nakagabay sa aming mag-asawa. We are so bless to have a parents like you both,” madamdaming sabi naman ni Lhianne. “At masuwerte rin naman kami sa inyo na mga anak namin,” sabi naman ni Cynthia. Nagkatinginan naman ang mag-asawa at parehong napangiti. Bakas sa mukha ang saya d