Matapos makapagpaalam sina Daryl at Lhainne ay magkasama nilang nilisan ang ospital. Magkahawak kamay silang dalawa habang naglalakad sa whole way ng ospital at hindi alintana ang mga tinging ipinupukol sa kanila ng mga taong nadadaraanan nila. “Hindi ka ba naasiwa na pinagtitinginan nila tayo?” tanong ni Lhianne habang pasimpleng tiningnan ang mga babaeng nakatingin sa kanila. Ramdam niya ang mga matalim na tingin na nagmula sa kung saan at alam ng dalaga ang dahilan kung bakit. Sino ba naman ang hindi maiinggit kung ang kasama mo ay si Daryl Fernandez. Sa ganda ng tindig, matangkad, guwapo at mukhang model ay walang babae ang hindi maaaring magkagusto rito. Pero sorry na lang sila dahil para sa nobyo, siya lang ang babaeng nag-i-exist sa paningin nito. “Bakit naman ako maasiwa kung isa