February Pagkababa namin ng kotse ay agad kaming nakita ni Nathan at malapad na ngumiti na may halong panunukso sa mga mata. "Ayown ang sinasabi ko! Kanina lang, mukhang parang sinakluban ng langit at lupa ang mukha ng pinsan kong 'to. Ngayon, napakaaliwalas na!" nakangisi niyang sabi habang nakatitig kay Nixon, bago lilipat sa akin. Agad naman siyang binigyan ng matalim na tingin ni Nixon. "Gusto mong tumilapon sa gubat?" Napahalakhak si Nathan. Nasa amin naman na ang atensyon ng lahat. "Aba, may pagbabanta pang nagaganap!" natatawang sabi ni Nathan, at hindi natinag sa matalim na tingin ng pinsan niya. "Relax ka lang, insan. Hindi kita aagawan." Agad nagtama ang paningin namin ni ate. Lumapit na rin ako sa kanya at naupo sa tabi niya. Ang mesa sa harapan namin ay napupuno ng mga