"Kumain ka na rin, Vic," alok ni Drake kay Vic matapos nitong maglagay ng isang pitcher ng tubig sa isang bahagi ng mesa namin. "Si—" "Busog pa yata siya, Kuya Drake," kaagad namang sabat ni Kayla, na siyang ikinalingon namin sa kanya. "Ang dami niya kasing nakain kaninang banana split. Tapos maya't maya rin siyang tumitikim ng niluto kong ulam. Niyaya ko na siya kaninang kumain pero busog pa raw siya. Di ba?" Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis habang nakatingala kay Vic. "Ah, eh... o-oo nga, eh," sagot naman ni Vic ng may ngiti ngunit parang may pag-aalinlangan. "Sasabihin ko nga sana, s-sige lang, mamaya na ako. Busog pa talaga ako." Humaplos pa siya sa tiyan niya. "Kumain ka na lang sa kitchen, kapag nagugutom ka na," turan naman sa kanya ni Drake. "Sige, sa loob na muna ako. Tawa