"FOR YOU..." Napangiti ako nang sa paglabas ko sa outdoor dining area ay sumalubong kaagad sa akin si Drake na may dalang isang pumpon ng mga pulang rosas. Nakangiti niya itong iniabot sa akin. Napakagat-labi ako habang tinatanggap ito. "May ganito pa talaga? Thank you," mahina kong sabi kasabay nang pag-amoy ko sa mababangong mga bulaklak. Mas lalo pa akong napangiti nang makita ko na ang inihandang mesa para sa aming dalawa. Kanina ay napakasimple lang nito, pero ngayon ay naging isang romantikong hapunan na. Ang ibabaw nito ay natatakpan ng puting linen na malambot at preskong tingnan. Sa gitna ay isang mababang glass vase na may nakalutang na puting rosas at kandilang nakalutang sa tubig, na nagbibigay ng mahina ngunit romantikong liwanag. Dalawang mala-kristal na wine glass ang ma