THIRD PERSON POV Halos lumiyad sa lupa ang mga gulong ng sasakyan ni Professor Drake Delavega Jr. sa biglaan nitong paghinto sa harap ng isang abandonadong warehouse. Sa dilim ng paligid ay tanging mahihinang ilaw mula sa poste sa di-kalayuan at ang mga headlights ng dalawa pang sasakyang gamit ng kanyang mga tauhan ang nagbibigay-liwanag sa lugar. Bago bumaba ay dinampot muna ni Drake ang isang itim na maskara at isinuot ito, itinakip sa kanyang mukha upang itago ang kanyang pagkakakilanlan. Seryoso ang kanyang mga mata, matalim ang titig, na tila isang asong-gubat na handang lapain ang sinumang humadlang sa kanyang landas. Inilabas niya rin ang isang de-kalibreng baril mula sa glove compartment at isinuksok sa tagiliran niya bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Kaagad siyang sinalubong