Darcy Biglang lumubog ang buong paligid sa nakabibinging katahimikan. Ang kanina'y sunod-sunod na putok ng baril at malalakas na pagsabog ay bigla na lamang naglaho, na para bang isang unos na biglaang tumigil. Unti-unting lumalabnaw ang makapal na usok sa labas, hanggang sa tuluyan naming masaksihan ang nakakapangilabot na tanawin—mga security guard namin na nakahandusay sa lupa, duguan, at mukhang wala nang mga buhay. Napalunok akong bigla. Ilang segundo akong natigilan, at pilit hinahabol ang t***k ng puso kong bumibilis sa kaba at galit. "They're gone..." Thea whispered beside me, barely able to believe what had just happened. Tanging kaming dalawa na lamang ang natira dito sa opisina ko dahil piniling lumabas nila Dad at Kuya Jr. kanina para tumulong sa pag-rescue sa mga estudyant