Dorothea "Kailan ba naman kita niloko?" tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat siya at nagpatuloy sa ginagawa niya. "Alam mo, friend... minsan, kahit buong buhay mo nang kakilala ang isang tao, hindi mo pa rin malalaman kung kailan ka niya pagtataksilan." Huminto siya saglit, at marahang ibinaba ang kutsilyong hawak. Tumingin siya sa akin, at sa kabila ng bahagyang ngiti sa kanyang labi, may kung anong lamig sa kanyang mga mata. "The worst kind of betrayal doesn't come from a stranger. It comes from the one person you never thought would deceive you." Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Ngumiti siya at muling dinampot ang kutsilyo. "So, who's the lucky guy you're talking about?" aniya habang naggagayat nang muli ng mga gulay. "Ipakilala mo naman sa akin. O baka naman kilala ko na si