Dorothea Agad akong lumapit sa kanila. "Hello, Mr. Tyzon. I am Dorothea Delavega, the Vice President of this university." Inilahad ko sa harapan niya ang kamay ko habang sinasalubong ang mga mata niyang nakatitig din sa akin ng taimtim. Napalunok naman ako nang hindi kaagad siya kumilos. Ramdam ko ang malakas na t***k ng puso ko. He looked familiar. It was as if I had seen him somewhere before. Tumaas ng bahagya ang isang sulok ng labi niya. "Vice President, huh? Impressive title. Pero nasaan kayo noong binubugbog ng mga ‘estudyante’ ninyo ang anak ko?" malamig niyang sagot na may halong pang-uuyam. Nabawi kong bigla ang kamay ko. "Daddy, si teacher—" "Oh, wait—maybe you're too busy maintaining the school's good image that you failed to notice a child nearly running out of tears fr