Lea Adino Naging mainit na naman ang sandali namin ni professor. Walang humpay niya akong inangkin. Kapwa walang saplot ang aming mga katawan at tanging mga ungol lamang naming dalawa ang maririnig sa buong silid. Nalunod akong muli. Hindi ko alam kung ilang beses kong sinubukang hindi sagutin ang mga halik niya, na pigilan ang pagnanasa at pananabik na nararamdaman ko para sa kanya. Ngunit sa bawat yakap niya, sa bawat bulong ng pangalan ko sa pagitan ng mga halik niya, natutunaw ang lahat ng sakit at pagdududa ko sa kanya. Mainit. Masidhi. Walang pag-aalinlangan. Ang bawat galaw niya sa ibabaw ko ay parang apoy na dumadarang sa balat ko, at kahit pilit kong pigilan ang sariling huwag muling mahulog, wala akong laban sa kanya. Sa init ng katawan niya, sa paraan ng paghaplos niya sa