February "Huwag kang mahihiya, ha? Tayong dalawa na lang ang babae dito ngayon dahil nagsilayas na 'yong dalawa," turan ni Tita Nikki sa akin habang nasa harapan kami ng pagkain. "Grabe ka naman, Mommy sa lumayas. Parang ang layo ng bahay namin, ah. Nandyan nga lang kami sa tabi niyo," agad namang sagot ni Ate Darcy habang ngumunguya. "Dito pa nga kami madalas kumain, eh." Muli naman akong natawa. Dito sila ng family niya nag-dinner sa mansyon ng parents nila. Naririto rin si Kuya Jr. at misis niyang si Lea, na isang buwang kapapanganak pa lamang. Natutulog ang baby nila ngayon sa crib sa sala, at binabantayan ng yaya. Karatig lang din nitong mansyon ang bahay nila. Ang pamilya lang ni Ate Thea ang wala dito dahil dumiretso na sila ng uwi kanina sa bahay nila. Sila lang ang nahiwalay p