February "Bubukod kayo?! At sa ibang lugar mo pa talaga napili?!" Biglang natahimik ang lahat nang tumaas ang boses ni Mayor Rodolfo sa anak niyang si Renzo, matapos niyang sabihing nakabili na siya ng property sa Tagaytay at doon niya planong manirahan kami pagkatapos ng aming kasal. "Dad, I already told you—" "Sa tingin mo ba kaya mo nang mabuhay nang hindi umaasa sa pangalan natin?! Ni hindi mo nga kayang tapusin nang maayos ang responsibilidad mo sa pamilya, tapos gusto mo pang bumukod?! Anong ipapakain mo sa magiging pamilya mo, ha? Yabang? Pangarap? Hindi mo nga nagagampanan ang papel mo bilang isang Castillon, tapos gusto mong bumuo ng sarili mong buhay?!" "Rodolfo, kumalma ka. Nakakahiya sa mga bisita," mahinang saway naman ni Tita Zenia sa kanya habang hinahagod ang likod.