THIRD PERSON POV Biglang nagkaroon ng tensyon sa mga kilos ng mga tauhan ng mga Delavega sa buong paligid ng simbahan nang mapansin ng isa sa kanila ang kahina-hinalang kilos ng isa sa mga tauhan ng mga Castillon. Ang isa sa mga ito ay nagtangkang lumapit sa kotse na kinaroroonan ni Feb. Agad namang humarang ang dalawa sa mga tauhan ng mga Delavega. Ngumisi naman ang tauhan ng mga Castillon. "May yosi ba kayo dyan, mga brod?" tanong nito sa kanila. Dumukot ang isa sa kanila sa bulsa at inabutan siya ng isang stick ng sigarilyo ngunit mariin ang pagkakatitig nito sa lalaki. Nakahawak din siya sa kanyang baril—handa sa anumang senyales ng pananakot o agresyon. Mas lalo pang lumapad ang ngisi ng lalaki mula sa Castillon. "Kalma lang. Yosi lang hinihingi ko, 'di baril. Huwag kayong masya