"Thanks yaya". Tumango ang matanda habang dala dala ang tray na may lamang mga pinggan. "Master naayos ko na po ang kabilang kwarto pwede na pong pumasok doon si Ma'am" "Okay. Magpahinga kana Yaya" sagot ko. Pagkaalis ng kasambahay ay muling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. I know she's worried. Mahahalata ko sa kilos at sa kanyang mata kahit hindi niya ako tignan. "Pasensya na kanina. Kung umalis sana agad tayo sa palengke hindi sana----" "Levi I'm okay. Saka hindi mo naman kasalanan. Hindi naman ikaw ang sumaksak sa akin diba?" "Hay.. ang kulit ko kasi. Masyado akong nagpaka bayani" sabay buntong hinga niya. "Wala kang kasalanan. Wala kang dapat ipag-alala." sabi ko ulit at muling ngumiti sa kanya. "Kanina ka pa ngiti ng ngiti. Halata nama