"Ganoon ba, ang anak ko eh.. graduating na." "Talaga ho? Congrats po pala" sagot ko saka ngumiti. "Salamat Ineng. Medyo makakaluwag na din kaming mag-asawa. Sa hirap ng buhay ngayon maswerte na ang mga batang pinag-aaral ng kanilang magulang sa kolehiyo." Napa heart to heart talk si manong dahilan para mapalagay ang loob ko sa kanya. Naalala ko tuloy ang aking lolo sa matandang driver na ito. "Tama po kayo. Maswerte po talaga ang mga batang nakakapag-aral at nakakapagtapos". "Alam mo ba ineng naalala ko sayo ang anak ko. Aba'y masipag yun mag-aral. Laking tuwa nga naming mag-asawa nang sabihin niyang c*m laude siya". May pagmamalaking sabi ng matanda. "Talaga ho, maswerte po kayo sa anak niyo. Masipag mag-aral" "Tama ka dyan Ineng. Mabuti at lumaki siyang mas