"Mamayang hapon kung pwede sana. Pero kung hindi bukas na lang ako luluwas. Inaayos ko pa kasi yung mga gamit dito sa bahay. Mahirap iwanan lalo pa kung hindi agad ako makakauwi rito" naka loud speak ang aking cellphone habang inilalagay ko ang aking damit sa malaking bag. "Sige ipapasuyo ko na ang sasakyan sa bodyguard. Gusto ko sanang sumama para makita na kita levi kaso----" "Mina wag ka nang mag abala pa. Mas makabubuti sayo ang magpahinga lalo na ngayon na buntis ka." "Di bale. Ipapasuyo ko na lang kay Nay lydia na ipagluto ka nang masarap. Sigurado ako matutuwa iyon pag nalaman na babalik kana" "Ako din. Excited na akong makita kayo dyan lahat. Teka, may ipapabili ka ba?" "Ang gusto ko lang eh umuwi kana rito. Mis na mis ka na namin ni Jane. Pati si Lottie nakikib