"Alam mo binata, kahit hindi mo sabihin ang tunay na pakay mo ay halata naman dyan sa kinikilos mo, kayo talagang mga lalake, huli na nagpapalusot pa" sabi ng matanda. Ngumiti na lang ako at nagsalin naman ng juice sa baso para inumin. "Pero iho isa lang masasabi ko" biglang kumindat si manang at ngumiti nang may kahulugan. "Galingan mo ha, kasi parang type ni Master Apollo yang si Levi." Napaubo ako bigla sabay tapik sa aking dibdib. Parang maluluwa ko yata ang juice na ininum ko. "Ho?" "Wag kang maingay hindi ko naman sasabihin sa atin lang dalawa---"bigla kaming natigilan ni manang nang dumaan si levi. Hindi ito lumingon sa aming dalawa. Kinuha nito ang walis na nasa may pinto. "Levi mamaya ka na lang maglinis, harapin mo muna itong binatang ito" ani ng matanda saka tum