Hindi sinasadya ay nilingon ko siya at saktong sakto na nagtama agad ang aming mata. Nabalot kami ng ilang segundong katahimikan na halos simoy ng hangin na lang ang aming naririnig. Tahimik ang paligid ngunit nakakabingi naman ang dagundong ng dibdib ko. Panay lunok ang ginawa ko habang nakatitig sa maamo niyang mukha habang siya ay palipat lipat ng tingin sa aking mata at labi hanggang sa naramdaman kong inilapit niya ng kaunti ang kanyang mukha na halos tungki na lang ng ilong namin ang magkadikit. "I won't.." sabi niya na para bang ibig niyang sabihin ay hindi niya ako hahalikan. "I can't kahit gusto ko" he added again. Bago pa niya ilayo ang kanyang mukha ay hinawakan ko na ang leeg niya. Kusa kong idinikit ang aking labi sa kanyang labi. Ipinikit ko ang aking mata at dinamdam ang