MARB C-5

1942 Words
"Sobra na ang ginagawa nila sayo. Hindi na makatao yan levi" iniabot niya sa akin ang tissue na agad ko namang pinunas sa aking basang mukha.   "Then drop out" sabat ng babae na lumabas sa may cubicle.   "That's right, hindi yung dito kayo sa restroom nagrereklamo" ani naman ng kasama nitong naglalagay ng lipstick sa harap ng salamin.   "Aba! gusto niyong sabunutan ko kayo?!" singhal ni Sab dahilan para magmadaling lumabas ang dalawa.   "Sab. Wag mo na lang patulan. Alam mo naman ang dahilan kung bakit diba"   "Levi alam kong pinapaaral ka nang amo mo, pero hindi na makatao yung ginagawa sayo. Siraulo kasing Vince na yan. Wala siguro siyang konsensya kaya tuwang tuwa siya pag may nag da-drop out na estudyante. Sana lang yung papalit na chairman nitong school maging Fair. Dahil kung hindi baka lahat ng estudyante dito umalis na."   "Sab.. lilipas din ito. Malay mo baka bukas mag-iba na ang isip niya".   "Haynaku Levi. Ewan ko ba sayo kung bakit mo natitiis ang itrato ng ganyan"   "Sab alam mo naman ang dahilan diba. Isa pa ayaw kong pag-aksayahan ng oras ang ginagawa nila sa akin. Ang importante eh makagraduate ako." At pinunasan ko naman ang aking basang damit.   Umiling iling nalang siya at may kinuha sa kanyang bag. Iniabot niya sa akin ito na aking pinagtaka. " Ano yan?"   "T-shirt yan, suotin mo."   "Wag na Sab. Matutuyo din naman itong damit ko"   "Kunin mo na. Gusto mo bang Pag piyestahan ka ng mga lalake" angal into saka ngumuso sa damit Kong basa dahilan para mapatingin din ako sa aking sarili.   "Bakat na bakat yang dibdib mo teh. Nakaka insecure tuloy" dugtong niya ulit na may Biro. Ngumiti ako at napilitan kunin ang T-shirt sa kanya. "Salamat ha, kaibigan talaga kita"   "Syempre naman. Bilisan na natin, late na tayo sa klase" sabi nitong pailing iling at kinuha ang face powder sa kanyang shoulder bag.   ***************   "Dont look at me" singhal ko ng makitang pailing iling na nakatitig sa akin si Shawn. Sumandal siya sa sasakyan kung saan ako nakatayo.   "Hinahantay mo siyang lumabas?" ani nito.   "Who?" sabi kong bumaling sa kanya. Nakita kong papalapit sa kinaroroonan namin ang sasakyan ni Gale.   "Your enemy" sagot nito na may kasamang bungisngis.   "Baliw". Itinuon ko ulit ang tingin sa restroom kung saan pumasok ang dalawang babae. Hindi ito kalayuan sa amin kaya malaya kong nakikita ang mga taong pumapasok doon.   " Maybe she's not------" Shawn said na agad ko namang sinagot.   "She's not my enemy". I answered na ikinabungisngis naman ni Gale nang makalapit na sa amin.   "Really? o baka naman. Type mo siya". biro nito na sa totoo lang ay nagpalabas ng ugat sa aking noo.   Inirapan ko siya. At ilang sandali pa ay nagsalita. "A past time. She's not my type" diing sabi ko at muling umirap sa kanilang dalawa.   "Gale wag ka na ulit magbibiro ng ganun. Pag ginawa mo yun tapos tayong dalawa" ani ni Shawn na pinapahupa ang tensyon.   "Ok.. anyway.. Is there something here?". Tanong nito na natuon ang tingin sa direksyon kung saan ako nakatanaw.   "Maybe" sabat naman ni Shawn. Kahit hindi ko silang tignan na dalawa ay alam kong nag sesenyasan na sila.   "Tigilan niyo yan"   "What? may ginagawa ba kami? We're just looking at your hair' kantyaw nito sabay hawak sa aking buhok.   "Oo nga Vince. What's with the blue hair?"   "Mga Sira. Don't touch my hair" singhal ko.   "Oh ngayon mag-wo-walk out ka?" Gale said and smiled.   "Or baka naman..." shawn teased again and laughed.   I didnt say any words instead I open my car. They heard the song that I always listen.   "Geez I might say your now a k-pop Fan. Sinong mag-aakala na si Vince ang bully ng school na ito ay nakikinig ng k-pop" said Gale   "It's not your business" ani ko at umupo na sa loob.   "Kaya siguro panay palit mo ngayon ng hair style. Dude korean invasion?" kantyaw naman ni Shawn.   "You two. Shut up your mouth kung ayaw niyong mag drop out" singhal ko na ikinangisi nilang dalawa.   "You can't stop me loving myself.. ohh ohhh ohhh ohhh" kantyaw ulit nila na sinabayan ng pagsayaw.   Isinara na ko na lang ang pinto at nag-umpisang mag maneho. Habang minamaneho ay nakita ko pa silang nakatanaw sa akin. Kumakayaw habang nakangiti.   "Geezz.. mga loko" ani ko.   ______________ "OK class pass your answer sheet finished or not finished" ani ng professor na nasa harap. Agad naman naming ipinasa sa harapan ang papel na sinagutan. Maya-maya pa ay lahat kami ay napatingin doon sa pintuan. Ewan ko kung bakit ganun na lamang ang presensya niya sa lahat. Lahat kasi ng klasmyt ko pati si prof ay lumingon sa kanya. Sumandal pa siya doon sa pinto at nagkrus ng balikat. Nakatanaw siya sa amin na tila ba may hinahanap. Hanggang sa natuon ang mata niya sa akin. Nag umpisa na ding magbulungan ang mga iilan Kong kaklase. "Si Vince... He got a new hair".   "O.M.G! Why he so handsome?"   "I like his hair. I like him na"   Itinaas ni prof ang kanyang kamay senyales na tumahimik ang lahat.   "Mr. Vince are you in this class?" Tanong ng prof.   Kilala siya ng prof. Sabagay sino ba naman ang Hindi makakakilala sa kanya. Ilang Segundo siyang Hindi umimik at saglit pa ay humakbang papasok. Nagkatinginan na lang kami ni Sab na para bang nababasa na ang nasa isip nang isat isa. Bago makalapit sa mga upuan ay nilingon niya ang prof. "Is there a problem if I'm not belong?" Sagot niyang pabalang. Tinignan siya ni prof. Halata Kong nagpipigil lang ito. Napabuntong hinga ito saka sinagot si Vince.   "You may take your seat". Napatingin na lang kami Kay Vince habang palinga linga sa paligid. Mukang nahuhulaan ko na kung saan siya uupo. Hindi nga ako nagkamali dahil yung lalaking malapit sa akin ay sinamaan niya ng tingin. Ilang sandali pa ay umalis ito sa kinauupuan. Naupo ito sa likuran kung saan may bakanteng upuan. Bully talaga. Pagkaalis ng lalake ay naupo doon si Vince. Lumingon siya sa akin na sakto namang nahagip ko ang kanyang mata. Ngumisi siya at binigyan ako ng matalim na tingin. Wala akong nagawa kundi umiwas sa kanya at itinuon sa pisara ang atensyon. "Levi.. hayan na naman siya" bulong ni Sab na napakagat labi pa. "Wag mo na lang pansinin" sagot ko. Iba yung tensyon ng mga oras na iyon. Yung para bang may mangyayareng gulo. Ramdam na ramdam ko dahil halos isang upuan lang ang pagitan naming dalawa.   "OK class.. Did you do your homework?" Biglang sambit ng professor dahilan para mabaling ang atensyon ng lahat.     "Can anyone give some famous painter? and their contribution in the history of art" Dugtong ulit into.   Nanahimik ang lahat na tila ba naghanhantay kung sino ang tatawagin ng professor. Hanggang sa nagtaas ng kamay ang si Vince at nabaling ang mata ng lahat sa kanya.   "Yes Mr. Vince"   "Claude Monet was the father of Impressionism, since both the artistic style and the movement's title was derived from one of his own paintings; Impression, soleil levant , exhibited in 1874. Monet is famous for capturing the French countryside, and especially . With a distinct paint stroke style and color palette, he was able to perfectly capture how the sunlight affected his subjects." He answered with a sarcastic voice.. Ilang sandali ay nag umpisa ng mag bulungan ang iilan kong klasmyt.   "Oh my ghaddd he's so cool. I didnt expect na matalino pala si Vince" usal ng babaeng nasa likuran ko.   "OOOhh myyy... hindi lang siya gwapo matalino din pala" ani naman ng isa. "Quiet class" saway ng professor. "Anyone else?" tanong ulit nito sa klase. "Can you give another one Ms. Levina Torres" sabat ni Vince at bumaling sa akin. Napakunot ang noo ko at lumingon sa kanya. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Muling natahimik ang lahat na pakiwari ko'y hinahantay din nila ang aking sasabihin. "Levi paano niyang----" "Sab" pigil ko at bumaling ng tingin sa harapan. "Hindi ka makasagot? Tama naman ang sinabi ko. Your Levina Torres" sambit ulit ni Vince. Sa tono palang ng boses niyaa ay alam kong malapit na siyang mairita. Hindi ako umimik bagkus ay nanatili akong tahimik. Dahilan para magkaroon ng tensyon. "She can't answer kasi hindi niya alam" "Nakakahiya ang ginagawa niya" "Gosh, bobo ba siya". Sunod sunod na namang katyaw na mga naroon. "Levi..." bulong ni levi na may pag-aalala. "Ms. Levina if you cant answer the question you can leave now, hindi namin kailangan ng mga bobong estudyante sa university na ito. Besides kayang kaya kitang patalsikin." Vince said with a tone of authority. "Hindi ka pa rin makasagot? Hindi mo ba alam? Nag-aaral kaba talaga? O sadyang bobo ka?!" singhal niya ulit na may kalakasan na ang boses. "Mr. Vince you may take your seat" sabat naman ng prof. "Stand up! answer the question!" bulyaw niya na palagay ko'y nag pa ubos na ng aking pasensya. "I said stand up! answer the question!" Agad akong tumayo ay humarap kay Vince. Kung nakikita lang ang pag-apoy ng aking mata at pag-usok ng aking tenga marahil may chance na masindak siya sa akin. "Mr. Vince hindi ikaw ang professor kaya stop acting na ikaw ang nagtu----" "So what? this is my school!" "Kung ganyan lang din ang ikikilos mo at ipapakita mo sa amin palagay mo ba makakapag-aral kami ng maayos?" "Putangina---" "PAUL GAUGUIN. One of the most significant French painters of the Post-Impressionist movement. Paul Gauguin experimented with new color theories and new stylistic approaches to painting. He famously worked alongside Vincent Van Gogh during a summer in the south of France, before abandoning his life in Western society altogether. In the early 1890s, he began traveling regularly to the south Pacific where he developed a new style that married his day-to-day observations with mythical symbolism. This style was strongly influenced by the so-called "primitive" arts of Africa, Asia, and French Polynesia. One of his work is Where Are You Going?, or Woman Holding a Fruit in 1893.". Pagkatapos ng mahaba kong pagsasalita ay namayani ang katahimikan. Bumalik ako sa pagkakaupo. Bago ko tanggalin ang paningin sa kanya ay isang matipid na ngisi ang pinakawala ko.   Makaganti man lang sa mukang clown na ito. Nagngi-ngitngit ang labi niya sa inis at ilang sandali pa ay umupo siya. Kahit hindi ko siya tignan ay alam kong nakatingin siya sa akin. Yung tingin na akala mo susugurin niya ako ng mga oras na iyon. "Ehem.. Ok Good answer Ms. Levina. Anyway I need to go. May meeting pala akong pupuntahan. I give a homework for the next class natin. Wait my email tomorrow about your homework. Bye Class" ani ng prof saka iniligpit ang mga libro na nasa kanyang desk. "Bye Sir" sagot namin.   Pag-alis ng prof ay nagligpit na rin kami ni sab ng gamit. Pangiti ngiti pa ito habang inilalagay ng kanyang gamit sa bag. "Levi hindi ko akalain na masasagot mo yung tanong ni Sir. Magaling ka talaga"   "Chamba lang yun Sab. Nabasa ko lang yun kagabi"   "Kunwari pa tuh. Ikaw na matalino."   "Mabuti na lang maaga nag pa-dismissed si Sir, makakauwi tayo ng maaga----" nahinto ako sa pagsasalita ng pasimpleng ngumuso si Sab sa gilid ko. Alam ko kung saang direksyon siya nakatingin. Naririnig ko pa kasi ang bulungan ng mga babaeng nakapaligid sa kanya.   "kanina pa siya nakatingin dito. Mukang may gagawin na naman siya sayo."   "Sab.. tara na" sabi ko na sinabayan din ni Vince na magsalita.   "Ms. Levina." tawag nito sa akin na ikinalingon ko sa kanyang direksyon. "Do you have my shirt? Nakabili kana ba?"   Heto naman siya. Heto naman ang pinagpuputok ng buchi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD