Dahan dahan akong humakbang paakyat ng hagdan. Nasa kaliwang balikat ko ang nakalaylay niyang kaliwang kamay habang nasa kanang bahagi naman ay si Aling inday. Nasa gitna siya na pilit naming binubuhat. "Aling inday wait pwedeng tumigil po muna tayo mas mabigat siya pag ganitong buhat ang gagawin natin" "Ganun po ba, paano po natin siya bubuhatin?" Ani ng matanda. "Teka lang ho paki hawakan niyo muna yung bewang niya". Kinuha ko ang binti niya at hinawakan siya sa kanyang tagiliran. Saka binuhat siya na animo'y may karga karga akong baby. "Ma---ma--s--ter!, Jusmiyo!" Bulalas ng matanda habang nakatingin sa akin. "Mas okay na po ang ganito kesa parehas tayong mahulog dyan sa hagdan." Sambit ko at maingat na humakbang sa hagdan. "Dahan dahan lang po. Baka mahulog kayong dalawa" nakasun