Wala pang 30 minutes ay nakarating na kami sa gym kung saan siya nagta-training. Pag park namin sa basement ay agad siyang lumabas ng sasakyan. "Sorry nagmamadali kasi ako. Sumunod ka nalang sa 3rd floor. Nandoon ako." humaripas siya ng takbo papuntang elevator. Ako naman ay tinanaw na lamang siya. "She's" saka bumuntong hinga. Maya maya pa ay ngumiti na lamang ako ng di sinasadya. I walk to elevator kung saan siya sumakay. Pagdating ng 3rd floor ay rinig ko na ang mga taong nandoon. May mga grupo na nagta-training at sabay sabay na nag-work work out. Palinga linga ako sa paligid hinahanap kung nasan si Levi. "May I help you Sir?" tanong ng isang babaeng nakauniforme. Napagtanto kong malapit ako sa may reception area. May mahabang sofa na nandoon at maliit na table. May mga n