"How about this?" itinuro niya ang pearl bracelet na may gold. Tumango lang ako saka sinabing. "Kahit saan dyan magugustuhan ni mommy lalo na't ikaw ang bumili". To be honest gusto ko nang umuwi. Halos lahat ng jewelry shop dito sa makati ay napuntahan na namin pero hanggang ngayon wala pa rin siyang napipili. "I'm serious! I need your opinion!" singhal nito na naging dahilan ng pagbaling ng mga customer at saleslady sa aming dalawa. Napabuntong hinga ako at bumulong sa kanya. Just to respect her pero ang totoo nanggigigil na ako sa inis. "Calm down Pen kahit ngayon lang okay?" sabi ko saka bumuntong hinga. Inisnaban lamang niya ako. "Miss can I see this one" sabi niya sa saleslady na malapit sa amin na agad naman nitong kinuha ang itinuro ni Pen. "See.. it's so nice.