ANO nga ba ang ibig sabihin ng buhay? Bakit kailangan pa mabuhay ng mga tao rito sa mundo? Para saan? Sa anong rason at dahilan? Bakit kailangan pang mabuhay kung sa huli ay mamatay ka rin naman? Anong silbi nu'n? Pero gaano nga ba kaiksi ang buhay para sayangin lang? Gaano kahirap ang mga pinagdaanan ng iba para kitilin na lang ang sarili nilang buhay at nang sa gano'n ay matapos na ang problema? Naiintindihan ko na ang mga taong 'yun. Sila 'yung mga katulad ko na sinubok ng matinding depression dahil sa mga pinagdaanan; dumating ako sa puntong 'yun, sa puntong gusto ko na lang din tapusin ang buhay ko dahil sa mga paghihirap na dinanas ko. Pero ngayon na-realize ko na ako rin pala ang kawawa kapag nagpalugmok ako sa isang bangungot, o kapag pinatay ko ang sarili ko, dahil magpakam