Chapter 33: A Kiss

2878 Words

Chapter 33: A Kiss KWANGYEON'S POINT OF VIEW "SIGURADO ka bang buhay pa yang hinahanap natin? Kwangyeon, ang tagal na nating naghahanap dito. Pabalik - balik na tayo," sabi ni Suah sa akin. Anak siya ng isang rebelde na may interes tungkol sa mga bampira, nakakaintindi siya ng ibang lenggwahe dahil nagtrabaho siya sa isang iskolar dati at gusto niya akong samahan para hanapin si Ginny. Ang tanging gusto ko lang ay makita muli si Ginny. "Dalawang linggo pa lang tayong naghahanap Suah," saad ko sa kaniya. "Pero dalawang buwan na siyang patay, buong nayon at gubat na ang naiikot natin tapos sampung beses na tayong paikot ikot dito sa lumipas na dalawang linggo," dagdag pa niya sa akin at bahagya siyang nagulat. "Pati ba naman ikaw ay naniniwala na patay na si Ginny?" tanong ko sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD