Chapter 35: Jealousy INIWAN ko si Ginny na nakikipaglaro kay Minah at Bona habang naglalaba sila sa batis, kasama naman nila ang ibang kawal kaya kumpante ako na bumalik sa aming kampo. "Suah, hayaan mo na sila Bona ang gumawa niyan, mayro'n ka pang pilay." Sabi ko sa kaniya at tumingin naman siya sa akin. "Ginoo, nakabalik ka na pala mula sa lakad mo. Akala ko ba ay mamasyal kayo ng iyong asawa?" tanong niya sa akin. "'Yun nga sana ang gagawin namin pero nasabik sila ni Minah sa isa't isa. Napagpasiyahan nilang maglaro muna ni Ginny," sagot ko sa kaniya at saka ako mahinang ngumiti. Abala kasi si Suah sa pag-aayos ng mga nakaimbak na pagkain, nilalabas niya ang mga kimchi upang sa labas iimbak. Kinuha ko ang isang banga at ako ang nagbuhat nito. "Napakaswerte ng binibini sa piling niy