Chapter 31: Escape the fantasy "DON'T WORRY, Ginny. I'll make you forget that dream of yours, I'll turn that into the reality that you needed the most." Paulit- ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Jonghyun sa akin. "Kailangan mo nang paunti- unting kalimutan ang iyong panaginip, Ginny." Seryosong saad sa akin ni Mama habang nakatulala ako sa hangin. Kaya ko ba 'yong gawin? "Ma, totoo si Kwangyeon..." "Anak panaginip lang 'yon. Kalimutan mo na 'yon at magpatuloy ka na sa 'yong buhay!" pilit niya sa akin. "Iiwanan mo ba kami nang dahil sa isang karakter sa drama, nang dahil sa panaginip na mukhang totoo?!" "Mama, totoo siya. Maniwala ka naman sa akin," sagot ko sa kaniya. "Stop this nonsense, Ginny. Gumaling ka lang mula sa sakit mo ay naging ganito ka na. Mas gusto mo bang malayo sa ak