Chapter 38: Fight for Love (Third Person's Point Of View) TAHIMIK na naglalakad si Ginny sa paligid ng gubat palayo kay Kwangyeon at sa lahat nang maaring mapahamak nang dahil sa kaniya. Ito na iniwan ko na siya, Hindi na siguro siya mapapahamak dahil sa akin 'diba? Tanong ni Ginny sa sarili niya. Ang dapat niyang gawin ngayon ay bumalik na sa mundo kung nasaan dapat siya, sa labas ng libro, sa labas ng paboritong drama niya. Huminga siya ng malalim at hinanap ang balon na nagdala sa kaniya sa nakaraan. Umiiyak siya at rinig ang kaniyang mga hikbi, muli niyang tinanaw ang nilakaran niya ngunit sobrang layo na niya. "Siguro nga, ito talaga ang tama. Sana kayanin ko ang mabuhay ng wala ka," saad niya sa kaniyang sarili. "Aahh!" namutani ang sigaw ni Ginny ng may dalawang lobo, kapwa nan