Mahirap kapag iyong inasahan mong makakasama mo sa pagtanda ay maagang nawala. Nang mawala si Silong... parang gumuho ang mundo ko. Una ko agad naging tanong ay kung paano na kami ng anak ko. Kaya ko bang palakihan ang aming anak? Kaya ko bang ibigay iyong pagmamahal na deserve ng anak ko? Hindi ko naramdaman ang buong pagmamahal ng pamilya ko, lalo na ng Nanay ko. Kaya paano ako magiging ina sa anak ko? Pero hindi naman ako pinabayaan ng Diyos. Hindi n'ya pinabayaan na maranasan ng anak ko iyong naranasan ko noon. Binigyan din n'ya ako ng pamilyang tumanggap sa akin kahit na noon ay hindi pa namin alam na magkapatid kami ni Anais. Binigyan kami ng Diyos ng mga taong pwede namang sandalan. "Mama?" tawag ng anak ko. 12 years old na ito, ang laki-laki na n'ya. Hindi pa rin ako makapani