74

1630 Words

"Si mama pakiramdam ko'y may sakit." Kumakain kami ng almusal. Medyo nag-tantrums pa si Tempest nang magising dahil masakit daw ang kaliwang tuhod n'ya, ang ipinagtataka namin ay paanong masakit iyon kung sa kanan naman iyong tama n'ya. Ang sagot n'ya... naligaw raw. Tapos bumalik na sa kaliwa iyong sakit. "Ako na naman ang nakita mo. Kumain ka na nga." "Ma, wala bang kamote? Ilang araw na tayong kumakain nang masarap. Kinakabahan na ako, ma." "Bakit na naman?" "Baka kapag umuwi na tayo sa barrio hahanapin na ng tiyan ko ang tocino, hotdog, at ito oh!" turo nito sa chicken adobo. "Baka kapag nandoon na tayo maiiyak na kami ni Elio. Kasi hahanapin na ng mga bulate namin sa tiyan iyong hotdog at iyong masasarap na pagkain." "Tempest, kung may gusto kayong pagkain ay magsabi lang kayo ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD