Tulog si Anais nang ipasok sa private room namin. Hindi pa naihatid ang anak namin. Kaya abang na abang ako. "Bakit ba may pink and blue ka pang binili? Alam naman natin na boy ang anak nitong si Storm?" takang tanong ni dad kay mommy na inilalabas sa paper bag ang mga baby clothes na pinamili nila at naisamang nadala rito sa ospital. Pangisi-ngisi lang naman si mommy. Nang may kumatok at marahang nagbukas ng pinto ay tamang nagising din si Anais. Nakangisi agad itong tinignan ako. "Anais, andito na ang baby boy natin." Masayang ani ko sa asawa ko. Tinulungan ko itong makaupo nang maayos. Maluha-luha pa nga ito, dahil masakit daw. Wala naman akong magawa kung 'di umalalay lang dito. "Nandito na ang baby boy n'yo!" magiliw na ani ng nurse na pumasok. Si mommy ay agad na tumayo. Medy