"Alis na!" pananaboy ni Andeng sa akin. 5:40 pm na. Nakapagluto na at naghahanda na ng hapunan ang babae. Si Tempest at Elio ay halatang pagod kaya nananahimik sa upuan. "Baka hanapin ako nila Tempest." "Ako na ang bahala kina Tempepe. Dali na, alis ka na." Napasulyap muna ako sa mga bata. Bago ako tumango. "Sige, ikaw na ang bahala." Tinapik ko pa ito sa balikat. Ang itim na jacket ko'y dinampot ko na at isinuot. Hindi naman nagtanong ang dalawang bata kung saan ako pupunta. Si Andeng na lang din ang bahala roon. Tinungo ko ang likod bahay at lumusot sa bakod. Nadaanan ko pa ang garden kung saan nakatanim ang mga rosas na ang pinakaunang halaman ay iyong bigay ni Storm. Naparami ko na lang ng naparami. Naglakad ako patungo sa falls. Medyo maayos na ang daan doon. Matiyagang ginawaan