"Huwag mo nang pagalitan ang bata." Mahinahong ani ni Storm. Buhat nito si Tempest, habang mahigpit na nakayakap dito ang bata. Ayaw ni Tempest kay Storm pero sa pagkakayakap ng bata rito ay para itong nakahanap nang kakampi. Umuusok ang ilong ko sa inis. Basang-basa si Tempest, at mabuti na lang mabilis na naiangat ni Storm ang bata dahil kung hindi'y lunod talaga ang abot nito. Pauwi na kami. Basang-basa sila pareho ni Storm. Si Elio na patingin-tingin lang ay napapabungisngis sa ginawa ni Tempest Haviva. "Napapalo ko na talaga iyan sa katigasan ng ulo n'ya." "Anais!" kontra ni Storm. "Ano? Gusto mo ikaw rin?" "Oh, bakit pati ako? Si Tempest lang, ah!" agad nag-angat ng ulo si Tempest saka pinalo sa balikat si Storm. "Ipapahamak mo ako? Bad ka naman, eh." Ayon na nga, dinaanan na