"Nandito na po tayo."
Napatigil kami sa pag uusap usap nang nasa harap na kami ng isang room. Pumasok kami at nakita namin ang isa pang officer na nasa control panel at may malaking glass window at makikita doon ang loob. Isang table na nasa pinaka gitna at nandoon sa isang upuan nakaupo ang lalaki.
"Hindi kayo pwedeng pumasok lahat pero pwede naman makinig ang naiwan dito." Sabi ng officer na nasa control panel.
"Dalawa hanggang tatlo lang ang maximum na papayagan namin sa inyo since isa kayong VIP." Sabi naman ni SPO3 Rodriguez.
"Thank you very much." I said and I look at my friends. "Who want?"
"I guess it will be more appropriate kung ikaw, si Marvin at Henry ang papasok sa loob." -Kass
"Yes after all kayong tatlo naman talaga ang pillar ng grupo." sabat naman ni Jullia.
"Makikinig na lang kami dito." Dagdag naman ni Min.
"Right. Ingatan nyo si Kesh ah." Para namang timang tong si Yana.
Pumasok kaming tatlo at agad din naman napatingin sa amin ang lalaki. Ramdam na ramdam ko ang pagsisisi nya sa ginawa nya at ramdam ko rin na walang alam sa nangyayari sa kanya.
"Hello." I said and umupo naman ako samantalang si Henry at Marvin naman ay nasa magkabilang gilid ko nakatayo.
Hindi sumagot ang lalaki kaya naman nagsalita ulit ako. "Ako nga pala si Akesia and this is Henry." tinuro ko ang kaliwa ko. "And this is Marvin." at tinuro ko naman ang kanan ko.
"Nandito ba kayo para parusahan ako? Wala akong ginagawang masama!"
Pumikit ako at sinara ang pakiramdam ko. "Ayan ho ba ang tingin nyo sa amin?" I asked and he gritted his teeth.
"Oo! Wala naman kayong ibang ginawa kundi ang pahirapan kami! Hindi naman kayo nakakatulong!"
Kumunot naman ang noo ko. "Mister Fone wala pa kaming ginagawa pero nagagalit ka na?" Takang tanong ko. "Ano bang nagawa namin?"
"Pinatay nyo ang asawa at anak ko! Kung hindi nyo sana ginawa ang sakit na yun edi sana hindi sila namatay! Anong sabi nyo?! Mapapalakas nun ang resistensya ng mag ina ko?! Pinatay nyo sila!"
"Mister Fone hindi kami gumagawa ng sakit. Isang gamot ang ginagawa namin at hindi sakit." Sabi ko pa at hindi pa rin naalis ang galit sa mukha nya. "Mister Fone iyan ba ang dahilan kung bakit gusto mo kaming patayin sa mall kanina?"
"Patayin?" Bahagya syang napatigil at kumunot ang noo. "Pagkatapos nyong patayin ang mag ina ko ngayon pinagbibintangan nyo ako na tinangka kayong patayin? Kaya ba nandito ako? Papatahimikin nyo na rin ba ako?!"
"Mister Fone." I said with a calm yet cold voice at napatigil naman sya. "We are not here as your enemy in fact we want to help you but seems like you don't want too." I said and he look at me.
Tumingin ako sa labas at nakita ko naman na kinausap ni Kass ang control panel officer at pumayag naman ako.
"Here." Sabi ni Kass at inabot sa akin ang isang tablet.
Oh well I know na gawa nya lang to. "Here. " I said and I play the CCTV record kanina sa mall.
"Impossible... " He said and look at us. "No. Kahit na gaano kalaki ang galit ko hindi ako magtatangkang pumatay! Hindi iyan ang ugali ko!"
"Calm down Mister Fone." I said and he look at me. "I know that you know nothing about that event so I wanted to ask you some questions and you have to answer it honestly." He nod.
"Okay."
Finally kumalma na din sya. "First question why are you in the mall?"
"Napag utusan ako ng isang kakilala na bumili ng damit ng baby nya."
"Sino ang kakilala na to?"
"Kaibigan sya ng anak ko pero dahil para nya na rin akong ama ay nanghingi sya ng favor sa akin."
"Ang pangalan?"
"Nathasia."
"Okay. Bukod sa kanya may nakausap ka pa bang iba?"
Bahagya syang napaisip bago nanginginig na nagsalita. "Me-meron."
Kumunot naman ang noo ko at napatingin kay Marvin he nod and ganun din naman si Henry.
"Sino?"
"I don't know. Basta ang sabi nya kung umiinom ba daw ako. Hindi ako palakaibigang tao pero hindi din naman ako mahiligi di mamansin kaya sinabi kong oo. Sabi nya may beer na masarap sya galing ibang bansa pero di nya mainom kaya naman binigay nya sakin. Nilasahan ko at alam ko na nawalan ako ng malay ng oras na yun."
"Kaya ba hindi mo alam na pumunta ka na sa mall?" he nod as the answer. "Okay sabihin natin na nakatulog ka pero saan galing ang kutsilyo na hawak mo ng sasaksakin mo na ako?"
"Hindi ko alam."
I heard Marvin sigh. "Pwede mo bang idescribe sa amin kung anong itsura ng kumausap sayo?"
"Lalaki, six footer, nakahood na red at natatakpan ang mukha, kupas na maong ang suot at leather na sapatos."
"Wala bang specific?" Tanong ni Henry "I mean may nakita ka ba na patalandaan?" Umiling naman si Mister Fone.
"Meron pala!" Halos mapatalon na ako sa gulat dahil sa pagsigaw ni Mister Fone, pasimple tuloy akong humawak sa dibdib ko.
"Ano yun?" tanong ko habang pinapakalma ang puso at dugo ko.
"May parang tattoo sya sa pisngi nya kulay pula, six star ito at may number pero di ko matandaan ang number dahil di ko nakita."
Sandali kaming natahimik at tumayo na rin. "Don't worry Mister Fone gagawa kami ng paraan para mapalabas ka dito at itatago ka namin after nun." "Salamat! Salamat!"
To be continued...