Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng pent house at nang makita namin na iisa lang ang undead dito ay agad din naman syang pinalutang ni Jullia at hinahis sa baba. Halos mapasigaw pa nga si Sunshine sa ginawa ni Jullia pero pinaliwanagan na rin naman namin sya. This penthouse has two rooms kaya naman nag puti-itim kami ng kamay kung sino ang magkakasama sa kwarto. Ako, si Jullia at so Min ang magkakasama. Si Aira, Yana, Kass at Sunshine naman sa kabilang grupo. Panay reklamo pero nakuha naman nila ang pinaka malaking room sa penthouse kaya no worries na sa kanipa. "Ano nang balak natin sa van natin?" Tanong ni Min sa akin. "Ah right." Sabi ko at saka sumigaw. "JULLIA." "Yes mam?" Napailing na lang ako. "Malaki ang space sa gilid ng pool and for sure kasya jan ang mini van natin. Pwe