Pinaliwanag sa amin ni Ai pagdating namin sa sasakyan kung bakit nya kami pinapamadali at yun ay dahil sa armored vehicle ang makakasalamuha namin. Buti na lang talaga nagmadali na kami dahil isang stronghold lang daw ang may armoured vehicle. Rise Stronghold. Sila lang ang may armoured vehicle na ninakaw pa nila sa military base na hindi kalayuan sa kanila. Sila din ang may pinaka maraming weapon since sila ang nakaraid sa military base bago pa man makuha ito ng mga undead. Well, yan lang ang sinabi sa amin ni Tom. Dagdag pa ni John na isa sila sa inaayawan ang mga outsider gaya namin. Sinisisi nila ang mga outsider dahil sa nangyari dito. "We're safe now." Dinig kong sabi ni Ai habang nakatingin pa rin sa phone nya. "It will take them five hours to catch up with us in their full spee