Napag-isip isip namin na magpahinga ng isang araw at kahapon naman iyon. Sa ngayon naman ay busy na talaga kami sa mga ginagawa namin. For now nire-review ko na lang ang mga notes na kailangan ko at naming pag aralan. Medyo ako lang ang kailangan na unang matuto sa kanila. Nakita ko naman ngayon na tinutulungan ng mga matatanda- I mean nila gramps si Kass at Aira sa paggawa ng prescription sa gagawing gamot sa mata ni Leo. Buti na lang talaga at nandito sila kahit papaano ay may nakakatuwang kami at ang nakakatuwa pa doon ay kaparehas din namin sila ng hilig. Hindi ako nagkamali na pagkatiwalaan silang lima, lahat sila totoo at dedicated talaga sa trabaho nila, lagi ko rin napapansin na hindi sila madamot sa kaalaman nila, hindi gaya ng ilang mga mananaliksik na akala mo eh nanakawan ng