Paglabas ko ng library dahil kinuha ko ang isang herbal book para sa gagamitin naming next research ay napadaan naman ako sa may bench na kung saan sobrang dami ng students. May napalatingin sa akin at ramdam ko naman iyon pati na rin ang paghanga na nararamdaman nila. "Oh si miss oh so called superhero." Hindi ko nilingon si Nikki at dumeretso lang ako sa paglalakad. Malay ko ba kung sino kinakausap nya baka may binubully na sya. "KINAKAUSAP KITA AKESIA!" Napatigil naman ako sa paglalakad at tumingin sa kanya saka ako napabuntong hininga. "Huh? Tinatawag mo ba ako?" "Ha! Akala mo naman kung sino ka! Ano ka hero para magsabing mapapalabas mo kaming lahat dito?! As if naman gusto naming lumabas! For your information lang naman hindi namin gusto!" Kumunot naman ang noo ko. "Ano ba pinagl