Emilia’s POV “Inaantok pa ako, Ale. Give me another one hour please,” gugustuhin ko mang bumangon at imulat itong aking mga mata pero hindi ko kaya. “What time is it, Emilia? Alas otso na ng umaga. Babangon ka o bubuhatin kita? You need to get up from bed and do the hiking.” Pansin ko pa ang paghawak ni Ale sa aking balakang saka ako mabilis na inangat mula sa kama. “Hindi ba pwedeng huwag muna ngayon? O kaya bukas na lang,” reklamo ko pa habang marahan na minumulat ang aking mga mata taliwas sa matinding pagkaantok. “Eight hours of sleep is enough, Emilia. Tulad ng sinabi ko sa ‘yo, ibibigay ko lahat ng hihingiin mo pero pagdating dito, hindi mo pwedeng ipagliban. I even change my work schedule. I should be in the office at 8 pero I decided to make it 10 am para magabayan kita sa mor