Emilia’s POV Sa halip na huminto ang ikot ng aking mundo; sa halip na matinag ako sa sinabi niya at manlumo ang aking mga paa dahil sa nakalipas na sampung taon ay narito siya at sasabihin sa akin na namimiss niya ako at hindi niya pala ako nakalilimutan. Pero iba ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Hindi ang panlulumo o kaya ang awa at pagkamiss kung hindi ang matinding galit. “Alam mo, hindi ko na dapat ito sasabihin sa ‘yo, eh. Ten is is enough para kalimutan ka, Ale. Hindi ko na dapat ito sabihin sa ‘yo dahil wala na rin namang saysay ang lahat kahit magbitaw pa ako ng makabulohang salita sa ‘yo. Pero ito,” may halong galit ang aking boses, huminto ako para makahugot ng sapat na hininga para bitawan ang salitang matagal ko na ring gustong sabihin sa kaniya. “Isa sa pinagsisih